Thursday, December 31, 2009

"Tag-Lagas"

by Serafin

Ito ba'y panahon ng katapusan,
O Pagkaubos ng dahong luntian.
Ito ba'y katulad ng 'sang samahan,
Na dagliang magkakalimutan.

At kung iba man ay magsawa,
Sa kabila ng hirap at ginhawa.
Sa gawain naming mapagkawanggawa,
Nawa'y pagkalooban parin kayo ng biyaya.

Nalagas man o mawalay,
Mapunta man kung saan-saan.
May pagasa parin silang babalikan,
'Sang dahon ng saging ang pagsasaluhan.

Husgahan man kami sa aming gawain,
Ipagmalaki man o maliitin.
Basta't ang alam parin namin,
Kayo ang "DA BEST" para sa amin.

No comments:

Post a Comment